Local News

‘TAGAPAGLIGTAS AKO NG PILIPINAS!’ Nagpakilalang Sundalo, Nanggigitgit ng Taxi!

Kumakalat ngayong ang video ni Josh Legson Llamasarez tungkol sa iringan ng dalawang motorista. Sa umpisa ng viral video, mapapanood na sinisigawan ng lalaking naka-maroon na innova ang taxi driver na nakagitgitan niya. Kahit na umaatras na ang taxi driver para magbigay ng daan ay itinututok pa rin ng lalaki ang kanyang sasakyan sa harapan ng taxi.

Sa isang bahagi ng footage, maririnig ang guwardiya na kumukuha ng video na babanggain daw talaga ng lalaking naka-innova ang taxi driver.

Sinubukan ng guwardiya na mamagitan sa dalawang nagkakainitan na motorista upang hindi maharangan ang drive-thru ng isang fast food restaurant.

Nang lumapit ang guwardiya sa lalaking naka-pribadong sasakyan, biglang nagpakilala ang lalaki na sundalo daw. Hinamon din ang guwardiya na mag-reklamo.

“Kung gusto niyo i-complain, i-complain niyo ako. SUndalo ako. Tagapagligtas ng Pilipinas. Subukan niyo ako i-complain,” sabi ng lalaking naka-innova.

Habang isinusulat ang blog post na ito ay naibahagi na ang video ng mahigit 16,000. Umani na rin ito ng libo-libong komento mula sa mga netizens. Ito ang ilang sa mga komento ng mga kababyan natin.

“kahit ano pa rango mo sa buhay wala kang karapatan at dahilan pra hindi sumunod sa tama at mang apak basta ng kapwa mo..sana eh matanggalan k ng lisensya at worst matanggal ka sa pagla sundalo mo kung totoo man na sundalo ka at sana makulong ka..mabigyan k ng leksyon,” sabi ni Y. Dalawanpo.

“Ang yabang naman pinag malaki pang sundalo siya dinamay mo pa ang matitinung sundalo sa bad image mo haha,” sabi ni A. Beredo.

“Paanong nkapasa yang mga ganyang pag-uugali s sundalo?? Dapat tanggalin yan. ABUSADO KA SIR! mkikita mo din katapat mo,jan din sa daan. Abusado ka,” sabi ni E. Creencia.

“Yabang ng gantong klaseng tao! Dika kailangan ng pilipinas uy! Mga tulad mong mayayabang ang lalong nagpapahirap sa pilipinas ! Oo nga cguro sundalo ka pero parang na warshock ka sa gyera sira ulo,” sabi ni V. Padilla.

Source:Josh Legson Llamasarez Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén