Local News

‘Tahimik kang Animal ka!’ GMA7 Host Winnie Monsod, Nakatikim ng Boljak kay PDU30!

Sa kanyang talumpati sa 2020 GENERAL ASSEMBLY OF THE LEAGUE OF MUNICIPALITIES OF THE PHILIPPINES (LMP)
, binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isa sa mga kritiko niya na si former Socioeconomic Planning Secretary Solita “Mareng Winnie” Monsod.

Binanatan ni Pangulong Duterte ang pagiging tahimik ni Monsod sa isyu ng kontrata ng water concessionaires.

“Itong mga commentator na mga p***** i** wala ng ginawa, tahimik na. Itong si Monsod. Noon yawyaw nang yawyaw, ‘Where’s the big fish? Where’s the big fish?’ O ayan. Ang animal siya rin pala. Wala lang man siyang sinabi. I suspect that she is also connected with the… well, somehow,” buwelta ni Pangulong Duterte.

Ang big fish na tinutukoy ni Pangulong Duterte ay ang Manila Water na pagmamay-ari ng Ayala at Maynilad na kung saan chairman si Manny Pangilinan.

“Kita mo itong mga writer, mga commentator? Ganon ‘yan araw-araw kung nagbabasa kayo. Mga hambog. Noong nabuko ko si Ayala pati si Pangilinan, o gusto ninyo ng big fish, sabi ko — one day sabi ko, ‘Okay ibigay ko sa inyo ang pinakamalaking buwaya. P***** i** mo, si Ayala pati si Pangilinan, ayan’. Ayan. Billions sobra. Ayan, nakita mo tahimik ang mga p***** i**. Wala na… Ayan. Billions sobra. Ayan, nakita mo tahimik ang mga p***** i**. Wala na. Congress, tahimik. Wala. Walang naghingi ng investigation. Kaya ang pakiusap ko is if I do not reach the finish line for one reason or another, kindly do not forget this. If you do not want to take any side or an overt act to show your displeasure or opposition or your anger maybe, ito lang ang tandaan mo,” banat pa ni Pangulong Duterte.

Magugunit na ilang beses pinagbantaan ni Pangulong Duterte sina Ayala at Pangilinan matapos niyang ibinuyag sa publiko ang mga diumano’y tagilid na kontrata ng mga water concessionaires sa gobyerno noong unang bahagi ng Disyembre 2019.

Source: PCOO | Politiko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén