Local News

‘Takbo palayo kay Sara’ DJ Mo Twister, Binanatan si Mayor Sara Duterte!

Nakikisawsaw ngayon si Mohan Gumatay o mas kilala bilang DJ Mo sa panawagan ng ilang kababayan natin na tumakbo sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte. Hindi natutuwa ang DJ sa ginagawang kampanya ng mga taga suporta sa Punong Lungsod ng Davao City.

Sa isang social media post, sinabi nito na imbes na tumakbo si Mayor Sara sa halalan ay dapat diumanong takbuhan palayo ng mga tao ang alkalde.

“Run from Sara, Run,” ani DJ Mo.

Si Mo ay kilalang kritiko ng ama ni Mayor Sara si Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong 2016 ay bomuladas nito na kokopyahin daw ni Pangulong Duterte ang lider ng North Korea na si Kim Jong Un.

Tinawag din nito noong “worse human being” ang Presidente. Mas malala din daw ang Pangulo kay dating U.S President Donald Trump.

“Good morning Philippines. You may be watching world news right now as you prep for your day. I’d like to set the tone by reminding you all that while Donald Trump is a rotten man, President Duterte is somehow an even worse human being,” kuda ni Mo.

Dahil sa mga patutsada nito ay nakatikim ito ng boljak sa ilang taga suporta ng Pangulo katulad ni Mark Lopez.

Si MO ay umalis ng Pilipinas pero bago ito lumisan ng bansa ay naging matunog ang pangalan niya dahil sa naging isyu niya noon sa dating karelasyon na si Rhian Ramos. May kumalat silang maselan na video at inakusahan nito ang kanyang dating kasintahan na pinalaglag daw ang kanilang anak.

“Every time that I would try to break up, he would get really mad or he would threaten me. I think the most painful time was when he outright told me that ‘I promise to take everything you love away from you.’ Yun ba yung love? Tatakutin ka ng tao? Ite-threaten ka, sisirain ka? Para ano? Para sa kanya ka lang,” sabi ni Ramos.

Source: Mo Twister

Leave a Reply

Theme by Anders Norén