Local News

“Takot ang Dinudulot!” Actor Dingdong Dantes, Kinontra ang Anti-Terror Bill!

Isa sa mga artistang nakikiboladas laban sa anti-terrorism bill ay si Kapuso Actor Dingdong Dantes. Ayon sa artista, takot daw ang idinudulot ng nasabing panukalang batas at imbes na pag-isahin ang mga mamamayan ay nahahati pa raw.

“Sadly, the Anti-Terrorism Bill is also causing fear—fear from abuse of power because of uncertainties and lack of dialogue. It is unfortunate that instead of uniting the people during these difficult times, the bill is dividing us. We must remember that the bill must yield the greatest net benefit to the people,” patutsada ni Dantes.

“I am a reservist. Isang karangalan at tungkulin ang tumulong sa pangangalaga ng kaayusan at kapayapaan ng bansa. I am also a family man. Sa abot ng aking kakayahan ay sinisiguro kong ligtas, malusog at masaya ang aking pamilya… But I am an artist too. Hindi lang ito trabaho para sa akin. Isang responsibilidad ang magbahagi ng mga kwentong repleksyon ng ating realidad—masaya man o malungkot,” dagdag pa ng artista.

Si Dantes ay isang reservist (Navy lieutenant commander) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Magugunita na nitong Hunyo ay nagbigay na paborableng pahayagag ang AFP tungkol sa anti-terror bill. Magbibigay daw ang panukalang batas ng pangil sa mga otoridad pa labanan ang mga terorista.

“(The passage of the proposed measure into law would be of) immense contribution to the success of the AFP’s counter-terrorism campaigns”… It may not immediately wipe away the menace, but it shall provide big strides toward winning the war against it beginning from the definition as to who are terrorists to penalizing other act or acts that are contributory or leading to the eventual commission of the felony,” sabi ni AFP spokesman Brigadier General Edgard Arevalo.

Ang panukalang batas ay sinertipakahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na urgent nitong gitnang bahagi ng 2020.

Source: MSN | Inq | Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: