Local News

Takot na takot kayo sa media! Tinatamaan ba kayo? – ABS-CBN Actress Angelica Panganiban

“Bukas pag gising natin, North Korea na to,”

Sa pamamagitan ng kanyang social media account ay naglabas ng sama ng loob ang aktres na si Angelica Panganiban laban sa gobyerno. Ito ay kaugnay sa binabalak ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-regulate ang mga streaming service tulad ng Netflix.

“Grabe na din. Pati streaming gusto na pakelaman. Papatayin niyo na talaga ang industriya. Inuna niyo ang free TV,” sabi ni Panganiban.

Magugunita na ibinasura ng kongreso sa panahon ng Duterte administration ang franchise application ng kanyang mother network na ABS-CBN dahil sa mga nakitang ireguralidad patugkol sa labor laws, buwis at uri ng pamamahayag ng istasyon.

“It is what it is — a denial of a privilege granted by the State because the applicant was seen as undeserving of the grant of a legislative franchise. By no means can this franchise application be related to press freedom. If it were so, then all applicants for legislative franchises covering mass media could simply claim such freedom and force the hand of this Committee each time… It is what it is — a denial of a privilege granted by the State because the applicant was seen as undeserving of the grant of a legislative franchise. By no means can this franchise application be related to press freedom. If it were so, then all applicants for legislative franchises covering mass media could simply claim such freedom and force the hand of this Committee each time… Such a scenario is totally inconsistent with the nature of legislative franchises as a mere privilege and never a matter of right. Wherefore, in view of the foregoing, the technical working group respectfully recommends the DENIAL of the franchise application of ABS CBN Corporation,,” saad sa resolusyon ng Technical Working Group’s (TWG) Committee ng kongreso.

Banat pa ng aktres, tila natatakot daw ang gobyerno sa media.

“Bakit ba takot na takot kayo sa media at entertainment? Una press freedom… ngayon pati kalayaan namin gumawa at mag kwento, totoo man o pagpapanggap, gusto niyong kontrolin… Tinatamaan ba kayo? Kasi masyadong malapit sa totoong buhay ang napapanood niyo?” ani Panganiban.

Source: ABS-CBN | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: