Local News

‘Talo kasi mga Binoto mo’ Senador Bato, Sinupalpal ang ABS-CBN Radio DJ Chacha!

Sa panayam kahapon kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, dinepensahan niya ang pagtutol ni Panglong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN. Hindi rin daw niya itinatanggi ang pagiging biased niya pabor sa Pangulong Duterte. Naniniwala din si Senador Bato na kung anu man ang pasya ni Pangulong Duterte, ito ay para sa mas nakararami.

“I have my own mind. It just happened that our minds are synchronized, our minds are parallel, our minds are going in the same direction but I’m not blind. I’m using my mind… We must be fair. If you say I am biased now, I’m not going to deny that I’m not biased. I’m true to myself, I say I am biased towards my President,” paliwanag ni Senador Bato.

Kinuwestiyon din ni Senador Bato ang alegasyon na higit 11,000 empleyado ng ABS-CBN ang mawawalan ng trabaho kung hindi mabibigyan ng prangkisa ang media network.

“Is that really 11,000? Are you sure? Anyway, regardless of how many, what is 11,000 (people) compared to the whole Filipino nation that this company has taken advantage of? If that can be proven during the hearing. What is 11,000 compared to the whole Filipino nation?” sabi ni Senador Bato.

Ang paliwanag na ito ni Senador Bato ay hindi nagustuhan ng radio disc jockey na si DJ Chacha. Patutsada ng radio personality, kung magiging loyal ito sa Presidente ay dapat na lang itong magbitiw bilang mambabatas.

“I suggest mag-resign na dapat si Senador Bato sa pagiging senador at mag-apply na bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan,” boladas ni DJ Cha cha.

Hindi naman pinalampas ni Senador bato ang mga buwelta ni DJ Cha cha. Sa isang pahayag, sinabi ng senador na talunan lang daw kasi ang mga binoto ni DJ Cha cha.

“Sabihan mo si DJ Chacha baka ang alam lang nya ay magchacha… Mali ba ang maging loyal sa isang duly elected President who is after the welfare of his people and who is willing to confront the oligarchs who have been bastardizing this country for so long?… I was voted upon bu 19 million FIlipino at ‘yang tumatawag sa aking resignation ang binoto niya ‘yung mga natalo,” resbak naman ni Senador Bato.

Si DJ cha cha ay nagtatrabaho sa MOR (My Only Radio For Life!), isang istasyon ng radyo na pinatatakbo ng ABS-CBN.

Source: Philippine Star | Philippine Star | Manila Bulletin | Microsoft News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén