Local News

Tandaan mo Mayor Isko, Kalaban ang CPP-NPA! Seguridad ng Bansa ang Pinag-uusapan dito!- Malacañang Official

Sa kanyang programa, pinaalalahanan ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ukol sa naging hakbang nito na baklasin ang mga anti-npa tarpaulin sa lungsod ng Maynila. Banat ni Panelo, seguridad ng bansa ang punto ng mga tarpaulins. Ipinaalala din ni Panelo sa alkalde na kalaban ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“Teka muna, baka hindi politika ang pinag-uusapan dito Mayor Isko. Ang pinag-uusapan dito ay seguridad ng bansa atseguridad ng mga taong nahihikayat na sumama doon samga kontra sa gobyerno,” sabi ni Panelo.

“Mayor Isko, tandaan mo, ang gobyerno natin, kalaban ay ‘yung CPP-NPA-NDF. Talagang dapat ‘persona non grata’ ‘yan.” dagdag pa ni Panelo.

Magugunita na nagbigay na rin ng reaksyon si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa ginawa ni Yorme. Ayon sa kalihim, inuudyukan niya ang ibang munisipalidad na maglagay ng anti-NPA tarpaulins.

“As to the action of [Manila] Mayor Isko Moreno, he must have his own reasons, but I would encourage LCEs to allow it. As I said, these tarpaulins are peaceful expressions of our people… I believe that these tarpaulins are expressions or manifestations of citizens or certain groups that they are already fed up with abuses and atrocities perpetrated by the CPP/NPA/NDF. I welcome such kind of expression to send the message to the [members] of CPP/NPA/NDF that they are not welcome in the national capital region, just like the constituents of other provinces, cities, and municipalities all over the country did… It’s time for the communist rebels to go back to the fold of the law and start peaceful and productive life,” ani Año.

Source: PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén