Local News

“TANG*** mo ka!” UP Teaching Fellow, Minura si PDU30 dahil sa Tarlac Shooting Incident!

Todo ang pagsisikap ngayon ng mga kritiko ng Duterte Administration para ikonekta ang nangyari shooting incident sa Tarlac kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Viral ngayon sa social media ang pagbaril ng pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac. Ayon sa ilang ulat, nag-ugat ang pamamaril dahil sa pagpapaputok ng boga ng isasa mga biktima. Lumabas pa sa mga karagdagang impormasyon na matagal nang may alitang ang suspek at ang mga biktima na may kaugnayan sa lupa.

Pero para sa teaching fellow ng University of the Philippines (UP) a si JC Punongbayan, ang nangyari daw ay kasalanan ni Pangulong Duterte dahil ipinag-utos daw nito na magdala ng baril ang mga off-duty na pulis. Hindi pa nasapat si Punongbayan sa paninisi, minura pa niya ang Presidente at isnisulong ang pagpapatalsik dito.

“Eh ikaw nga nag-utos sa mga yan na magdala ng armas kahit off-duty eh. Tanginamoka. #OustDuterte,” boladas ni Punongbayan.

bukod sa pagiging teaching fellow sa UP ay kolumnista din si Punongbayan sa website na Rappler.

Naglabas na kanina ng pahayag ang Duterte Government ukol sa isyu. Ayon sa palasyo, hindi kukunsintihin ng Presidente ang pulis at titiyakin nila na mananaig ang hustisya para sa mga nasawi. Nilinaw din ng palasyo na walang kaugnayansa katungkulan ng pulis ang nangyari pamamaril.

“Kinukundena natin ang nangyari diyan sa Tarlac. At lilinawin ko lang na hindi ito service related na double murder. Ito po ay kung hindi tayo nagkakamali ay isang away daw tungkol sa pag posisyon sa lupa. So ang pulis pong iyan ay hindi pwede mag-invoke ng kahit anong depensa na may kinalaman sa kaniyang katungkulan. Ito po ay tatratuhing ordinaryong murder case, iimbestigahan, kakasuhan, lilitisin at papaparusahan natin ang pulis na iyan. No ifs, no buts, magkakaroon po ng katarungan dahil nakita naman natin ang ebidensiya ng pangyayari. Hindi po iyan poprotektahan ng Presidente, kinukondena natin iyan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Source: JC Punongbayan | Archive | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: