Local News

‘Tangang ABS-CBN Reporter!’ Ret. Journalist, Binira ang ulat tungkol sa Paghabol daw ng Chinese Attack Boat!

Kamakailan lang ay nag-ulat ang ABS-CBN reporter na si Chiara Zambrano na hinabol sila ng Chinese Attack Boat sa may tensyonadong bahagi ng West Philippine Sea.

May ilang kababayan natin ang kumukuwestiyon sa motibo ng reporter sa pagpunta nito sa bahagi ng West Philippine Sea na inaangkin din ng ibang bansa. Isa sa mga bumatikos sa ginawa ni Zambrano ay ang retiradong mamamahayag na si Jay Sonza.

“Anong boat chase ang pinagsasabi ng tangang Kapamilya reporter? Baka nakabatak ka Inday at nakakita ka ng habulan sa alapaap. Parang may amats ka pa chang,” sabi ni Sonza.

Nagbigay din ng reaksyon si Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. Imbes na talakayin ni Locsin ang paghabol umano ng Tsino sa ABS-CBN crew, inungkat ng kalihim ang franchise issue ng Kapamilya network.

“Wala kayong franchise kasi. Sabi ko na, mag apply kayo in GMA time when she signed your giant Meralco franchise. I told you na, go for ABSCBN prankisa too; we’re on a roll; and I was in Committee on Franchises—an ex-ABSCBN talent. Wala, shy daw. Shet. Pasok si PNoy: NO!!” sabi ni Locsin.

Source: Jay Sonza | Archive | Twitter | Archive | MUB | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén