Local News

‘Tantanan niyo! May Tax Clearance ang ABS-CBN Network!’ – Vice Ganda

Nitong Lunes ay naging laman ng balita ang paghahain ni Solicitor General Jose Calida ng “quo warranto” para ipakansela ang prangkisa ng ABS-CBN. Ayon kay Calida, may natuklasan silang mga pang-aabuso na ginawa ng Kpamilya network sa kanilang prangkisa.

Dahil sa nangyari kahapon, kanya-kanyang opinyon ang mga kababayan natin. May ilan na sumusuporta sa ABS-CBN. Mayroon naman gustong ipasara ang istasyon. Ayon sa ma kababayan natin na pabor sa pagkansela sa prangkisa ng network, dapat daw magbayad muna ang media outlet ng utang nito.

Hindi naman nakatiis ang isa sa mga pinakasikat na empleyado ng ABS-CBN at sinagot ang mga bashers ng kapamilya network. Ayon kay Jose Marie Viceral a.k.a. Vice Ganda, walang kinalaman daw sa tax ang petisyon ng Solicitor General at may tax clearance daw ang pinagtatrabahuan niyang kumpanya.

“Ang quo warranto petition po ng SolGen vs ABS CBN ay walang kinalaman sa tax. May tax clearance ang Kapamilya Network. Kaya tantanan nyo na yung chika nyo na ‘Magbayad kasi kayo ng tax!’”,” sabi ni Vice Ganda.

Ilan sa mga netizens na pabor sa pagpapasarado sa ABS-CBN ay inungkat ang artikulo mula sa Inquirer na may pamagat na “DBP wrote off P1.6B in loans to Lopez group”.

Nakasaad sa artikulo ang pagkaka-utang umano ng Pamilya Lopez, may-ari ng ABS-CBN, ng bilyon-bilyon mula sa Development Bank of the Philippines (DBP).

“The Senate is currently investigating behest loans granted by the Development Bank of the Philippines (DBP), and so far the loans to former Trade Minister Roberto Ongpin are at the center of the sights of the investigators. I have been watching the hearings, waiting for the disclosure of the DBP loans granted—and written off—to the Lopez family. But every time the questioning heads in that direction, a senator related to the Lopezes steers the discussion in another direction.

Why the Lopez family? Because the loans granted, and written off by the DBP, to various corporations belonging to the Lopez group amount to more than P1.6 billion! In short, the government lost P1.6 billion to the group. Yet corporations formerly belonging to the group, particularly Meralco, have been reporting billions of pesos in profits,k” ayon sa artikulo ng Inquirer.

Source: Vice Ganda | Inquirer | Archive | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén