Local News

‘Tatak Duterte: Bara-barang Solusyon, Dagdag Perwisyo!’ De Lima

Kasabay ng paglabas ng mataas na survey rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay bumoladas naman ang nakakulong na si Senadora Leila De Lima.

Ayon sa opposition senator, perwisyo daw ang dinudulot ng Duterte Administration at nakakadagdag daw sa pahirap ng mga Pilipino.

“Tatak Duterte: Bara-barang solusyon sa problema. ‘Di nanga nakakatulong, dagdag-perwisyo pa.

Insensitivity at its worst! So incompetent that they only put additional burden to the already suffering Filipinos.


Kung may bakuna kontra kapalpakan, itong gobyerno muna dapat mauna,”
patutsada ni Delima.

Kanina lang ay naging laman ng mga balita ang mataas na gradong nakuha ni Pangulong Duterte sa isinagawang survey ng Pulse Asia. Kahit kasi sa gitna ng pandemiya ay pumalo sa 91% ang trust rating ng Presidente. Dahil sa mataas na antas na nakuha ng Presidente mula sa publiko, nagpasalamat si Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Ang pangako talaga ng Presidente, gagawin niya ang lahat para makabangon tayo sa pandemiyang ito at isasantabi talaga niya ang pulitika. Lahat ng Pilipino, supporter niya, kalaban niya, iaahon niya hangga’t maaari sa kahirapan na dinulot ng pandemiya,” pahayag ni Roque.

Kasabay naman ng pagpapasalamat ni Roque sa pubiko ay pinatutsadahan nito ang kasamahan ni De Lima sa oposisyon na si Vice President Leni Robredo. Magugunita na halos batikos ang lumalabas sa bibig ni Robredo patungkol sa tugon ng gobyerno sa covid-19 pandemic. Ayon kay Roque, dapat daw itigil ni Robredo ang pamumulitika sa panahon ng pandemiya at baka tumaas ang rating nito dahil nakakuha lang si Robredo ng 50% na trust rating sa survey.

“Naku, Madam VP, mukhang tama ang aking sinasabi. Ayaw yata ng mga Pilipino na namumulitika sa panahon ng pandemiya.

Subukan nating itigil ang pulitika. Baka po tumaas nang mas mataas sa 50% ang trust rating at mataas pa po sa 57% ang performance rating niyo,” buwelta ni Roque.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: