Local News

Tauhan ng Barangay na Nang-harass umano sa Lugaw Delivery Rider, Nagsalita na!

Nag-viral muli ang post ni Marvin Ignacio matapos niyang ipaalam sa publiko na nakakatanggap umano siya ng pagbabanta.

Si Ignacio ang food delivery rider na nasangkot sa viral lugaw video kung saan hinarangan siya ng mga tauhan ng barangay upang sabihin sa kaniya na hindi essential ang luaw na kaniyang idini-deliver.

Ayon kay Ignacio, matapos mag-viral ng video ay nakakatanggap na siya ng pagbabanta. Siya din daw ang sinisisi ngayon kung bakit gusto umano magpakamatay ni Phez Raymundo, ang babaeng nanita sa kaniya sa viral video.

Nagbigay naman ng pahayag ang lalaking inirereklamo ni Ignacio. Ayon sa tauhan ng barangay Muzon, nagpunta daw siya sa bahay ng rider noong Huwebes ng gabi upang ibigay ang memo para sa tindahan ng lugaw. Wala rin daw siyang intensyon na mang-harass.

Nagbigay naman ng reaksyon ang ilang kababayan natin sa naging hakbang ng tauhan ng barangay.

“But you did was a naked abuse your power. I hope the DILG or the provincial government of Bulacan will make you accountable for what you have done. Do not make excuses. Admit the mistake. The damage has been done.”

“Dis-oras ng gabi? Memo for the lugaw store eh bakit kailangan ipaalam pa sa rider? Oh to make him feel guilty for asserting his rights and posting on FB? Ganda ng timing ng memo nyo. Halatang politically-motivated. Stop the harassments!”

“The memo should go to Grab not the rider. He’s an employee of Grab. If your barangay really wanted it to be formal.”

“Ang taray Memo para sa Lugaw store pero kay Kuya dinalašŸ¤£ Kelan pa naging empleyado si Kuya nung lugawa na yun? And bakit gabi? Daming time kung kelan curfew na saka kung saan saan pumupunta..Mga ordinaryong tao lang talaga mga kaya nyo eh!!”

“Abuse of authority na ata yan. Pakipost ang memo at ipublic. Naghatid ng memo gabi, ano kaya laman ng memo? Kung tatanggapin nyo na lang sana pagkakamali nyo mas ok pa kesa gumaganti pa kayo kasi napahiya kayo sa palpak nyo. Nang-ha-harass ata kayo?”

Source: Manila Bulletin | Manila Bulletin | Marvin Ignacio

Leave a Reply

Theme by Anders Norén