Local News

Taumbayan ang Magdedesisyon kung Qualified ako sa Presidency! Leni, Sinagot si PDU30!

Sinagot ni Vice President Leni Robredo ang banat sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya kayang mamuno ng bansa. Para kay RObredo, hindi daw si Pangulong Duterte ang magdedesisyon kung hindi ang taumbayan.

“Hindi naman siya ‘yung magdedesisyon kung qualified ako o hindi. ‘Yung taumbayan yung magdedesisyon… Yung sa akin lang, makabubuti sa atin lahat ‘pag nakinig sa mungkahi, sa pagpansin ng ibang mga polisiya,” boladas.

Magugunita na binanatan ni Pangulong Duterte si Robredo kagabi dahil sa pangingialam nito sa isyu ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan ng mga Amerikano na magbayad sa Pilipinas kung ipagpapatuloy ang VFA sa ating bansa.

“I would like to put on notice if there’s an American agent here, that from now on, you want the Visiting Forces Agreement done? Well, they have to pay. It’s a shared responsibility, but your share of responsibility does not come free. Because after all, when the war breaks out, we all pay. You, kami, we are nearest to the garrison there where there are a lot of arsenals of the Chinese armed forces… Kaya tandaan nila ‘yan. I hope they would understand that we are a nearest to a theater of war. Ang banatan diyan it could be submarines and aircraft carriers and all. Madadamay talaga tayo. I do not want to participate in any adventure of that kind, if I can help it. I am not against the Chinese, neither am I a — ako, hindi ako pro-American. I am just a Filipino government worker working for the interest of my country,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Pero para kay Robredo, tila pangingikil daw ang ginagawa ng Duterte Administration. Binuweltahan naman ng Pangulo si Robredo at sinabihang mag-aral muli ng abogasiya. Wala din daw kakayahan mamuno ni Robredo.

“You are not really qualified to run for president. You do not know your role in this government… She should not be opening [her] mouth when [the administration is] negotiating… I think you need a refresher course sa law. That is my advice to you,” banat ni Pangulong Duterte.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén