Local News

‘Tayo Binabangungot pa rin!’ Agot Isidro, Nag-iinggit sa Amerika!

Para sa aktres at kritiko ni Pagulong Rodrigo Roa Duterte na si Agot Isidro, nakaka-inggit daw ang Estados Unidos dahil napalitan na ang kanilang presidente.

Sa kaniyang social media post, pinahayag ni Isidro ang kaniyang nararamdaman at ikinumpara ang Pilipinas sa Amerika.

Ayon sa aktres, naalis na raw ng mga Amerikano ang nagdudulot ng sakit sa kanilang bansa at sabay tanong kung kailan magagawa ng Pilipino ang parehas na hakbang.

“Nakakainggit ang US. They’re finally rid of what ails them.

Kelan kaya tayo?”, patutsada ni Isidro.

Boladas pa ng aktres, nananatili daw sa masamang panaginip ang ating bansa at ang Amerika ay makakatulog na raw ng matiwasay.

“America will be sleeping in peace again after 4 long years.

Tayo, binabangungot pa din,” putak pa ng aktres.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpamalas si Isidro ng pagmamahal sa Estados Unidos. Magugunita na noong nagbanta si Pangulong Duterte na hindi niya tatanggapin ang ayuda ng Amerika ay bumoladas si Isidro laban sa ating Presidente. Wala habas din na sinabihan ni Isidro na “Psychopath” si Pangulong Duterte.

“Unang-una, walang umaaway sa iyo. As a matter of fact, ikaw ang nang-aaway.

Pangalawa, yung bansa Kung saan ka inuluklok ng 16 million out of 100+ million people ay Third World. Kung makapagsalita ka parang superpower and pilipinas eh. At excuse me, ayaw namin magutom. Mag-isa ka na Lang. wag kang mandamay. Hindi na nga nakakain ang nakararami, gugutumin mo pa lalo.

Pangatlo, may kilala along psychiatrist. Patingin ka. Hindi ka bipolar. You are a psychopath.” kuda ni Isidro noong nagsisimula pa lang ang termino ni Pangulong Duterte.

Source: Agot Isidro | Agot Isidro

Leave a Reply

Theme by Anders Norén