Local News

“Walang Tayong Trolls, Ang mga Kritiko Mayroon” – Leni, Bumoladas!

Sa kanyang pagsasalita sa Rotary Club of Manila, tinalakay ni Vice President Leni Robredo ang mga hamon sa paglaban sa pekeng balita.

Banat ni Robredo, ang hinaharap daw ng kampo niya ay isang makinarya na pinopondohan ng malaking pera.

” We are confronting a very well funded, well oiled trolling machinery and we do not have funds to counter that,” sabi ni RObredo.

Ayon kay Robredo, hindi daw gumagamit ng trolls ang kampo niya.

“We have social media pages of our own but we do not have trolls of our own,” dagdag pa ni RObredo.

Magugunita na noong nakaraang taon ay isa-isang nahulog sa bitag ng otoridad ang mga personalidad sa likod ng mga anti-Duterte social media accounts.

Isa sa natiklo ng mga alagad ng batas ay si Dennis Borbon na nagpakilalang anti-Duterte blogger. Si Borbon ay nahuli matapos mangikil sa ilang kongresista.

Kinanta ni Borbon na binayaran umano siya ng kampo ni former senator Bam Aquino para siraan ang mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa pagka-senador.

“N’ung election, lumapit sa akin ‘yung chief of staff ni Bam Aquino at pinapatira yung mga kandidato ng administrasyon noong nakaraang eleksyon… Nagde-deposito sila ng 20k to 40k. Iba pa nga po yung galing kay Congressman Gary Alejano,” sabi ni Borbon.

Masakote rin ng otoridad si Rodel Jaime, isa sa mga isinasasangkot sa kontrobersyal na black propaganda video series laban kay Pangulong Duterte na may pamagat na “Ang Totoong Narcolist”. Sa naturang serye ng mga video ay isinasangkot ang pamilya at malalapit kay Pangulong Duterte sa kalakalan ng bawal na gamot. Maski ang anak na dalagita ni Pangulong Duterte ay hindi pinalampas.

Lumitaw rin si Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang alyas Bikoy sa video. Sa kanyang paglantad, itinuro niya ang ilang personalidad sa oposisyon na may pakana umano ng naturang videos.

Source: CNN Philippines | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén