Local News

“Terorista at supporters lang ang takot sa Anti-Terror Bill” Sen. Sotto, Binoljak ang mga Kritiko!

Supalpal ang inabot ng mga kritiko ng Anti-Terrorism Act of 2019 kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III. Ayon sa senador, mga terorista at mga supporters lang nito angtakot sa nasabing panukalang batas. Para pa sa mambabatas, pasok na sa banga ang nasabing panukalang batas kapag nakarating na sa senado.

“It’s as good as passed. It will just need my signature if it comes back to us after ratification then I will transmit to the President… I suggest they read the bill first before reacting. Terrorists or their supporters are the only ones who will be afraid of the bill,” banat ni Sotto.

May dalawa sa kpawa senador ni Sotto ang tutol sa panukalang batas. Isa na dito ay si Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

“Terrorized na ang mga kababayan natin dahil sa COVID-19, ang nakakamatay at nakakahawang sakit. Mas na-te-terrorize pa dahil sa kawalan ng trabaho at hanapbuhay na dulot ng iba’t ibang klase ng lockdown na pinataw sa ating mamamayan at ekonomiya… Pagtuunan ng pansin ang mga walang masakyang public transport ngayong GCQ, ang mass testing at contact tracing, at pagbangon ulit ng ating kabuhayan,” boladas ni Kiko.

“COVID-19 ang kalaban, pero itong Anti-Terrorism Bill ang isinalang…Valid at dapat pakinggan ang concerns ng publiko tungkol sa (anti-terror) bill. Ang hiling nila ay maayos na programa para sa kanilang kaligtasan laban sa kinakaharap nating pandemic. Hindi ba dapat nandoon ang prayoridad natin?… Alam natin na kapag hindi benevolent, kung ‘di despotic yung implementors, may mga human rights violations na maaring mangyari,” patusada naman ni Senadora Risa Hontiveros.

Dinepensahan naman ni Senador Ping Lacson ang panukala.

“The concerns being raised by the progressive and leftist groups as well as human rights advocates have been adequately addressed during the Committee on National Defense and Security public hearings, as well as the debates and interpellations in plenary,” paliwanag naman ni Senador Lacson.

Source: CNN Philippines | ABS-CBN | Senate

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: