World News

Thai Actor, Nag Grab Driver Matapos Mawalan ng Trabaho dahil sa Quarantine!

Nakakahanga ang ginawa ng Thai actor na si Amp Pheerawas dahil habang walang trabaho sa showbiz ay gumawa ito ng paraan para makapag-hanapbuhay. Nag-apply ito bilang grab driver para may pagkakitaan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (covid-19) outbreak.

Ang Thailand, tulad ng Pilipinas, ay naka-lockdown din dahil sa covid-19. Maraming industriya ang lubos na apektado ng outbreak. Isa sa mga sektor na tinamaan ng pandemiya ay ang entertainment industry. Pinahinto ang shooting ng mga pelikula o di kaya ang mga public events ay pinakansela.

Ngunit kahit ganun pa man ay mukhang natutuwa si Amp sa pagiging grab driver. Makikita sa mga viral pictures niya na masayang nakipaglitrato ito sa kanyang mga customers. Natuto rin daw ang Thai actor na makapagtipid dahil nararanasan niya kung gaano kahirap kumita ng pera.

Si Amp ay kumkita ng 30,000 baht (P47,000) kada buwan sa pagiging grab driver. Naipagmamalaki rin niya na kumikita siya para sa kanyang mag-ina sa marangal na paraan.

Ang mga delivery services tulad ng Grab, Lalamove, Food Panda atbp ay in-demand sa panahon ng covid-19 crisis dahil dito umaasa ang karamihan kapag may ipapabili dahil nga pinapayuhan ng gobyerno ang mga mamamayan na manatili sa bahay upang hindi lubos na kumalat ang sakit.

Totoo kaya ang sinabi sa ulat ng Philstar na may ilang artistang Pilipino na umaasa sa kanilang sugar daddy imbes na magtrabaho ng marangal?

Source: Philstar | Archive | The Smart Local | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: