Local News

“Tig-isang Sampal kayo sa akin!” Mga Billionaire Owners ng Water Companies, Binantaan ni DU30!

“But I will make them — their life hereon very, very, very miserable,”

Sa kanyang talumpati sa CEREMONIAL SIGNING OF THE POSTPONEMENT OF THE 2020 BARANGAY AND SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS ACT at MALASAKIT CENTER ACT, pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga may-ari ng malalaking water companies dahil sa mga kontrata ng mga ito na tila dehado ang pamahalaan.

“Ang ating tubig ginawang negosyo ng mga tao dito sa Pilipinas. Ang ngayon, ang inabutan natin ang may-ari na ngayon Manila Gas, Maynilad, si Ayala pati si Panganiban — Pangilinan…. Hanapin mo nga si Ayala kung saan. Puntahan ko. They do not pay corporate income tax. Ang corporate income tax, hinuhulog nila doon sa tao. Part of the — binabayad mo sa tubig… Mag-usap tayo ng — ‘pag hindi… Tag-isang sampal kayo sa akin. Maniwala kayo. Pat — patikim ko sa inyo. Pakita ko sa Pilipino paano mag-sampal ng mga milyonaryo, bilyonaryo. L**** kayo,” banta ni Pangulong Duterte.

Rebelasyon ng Pangulong Duterte, tagilid ang gobyerno sa kontratang pinasok ng water companies at ng dating administrasyon. Hindi raw kasi makontrol ng gobyerno ang presyo ng tubig dahil sa naturang kontrata. Balak din daw magkaso ni Pangulong Duterte ng economic sabotage.

“Ang kontrata napaka-tagilid na tagilid because if they fail to realize the profit enduring the lifetime of the contract or at any period, babayad tayo sa nalugi nila. Anak ng… P***** i** naman ninyo kung ganun… We cannot raise or lower the rates. Sila lang. Our water, we cannot control the price to which we collect — to deliver the water to the people. Wala talagang,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Hindi rin pinalampas ni Pangulong Duterte ang diumano’y kawalan ng water treatment ng mga kumpanya.

“‘Yung water treatment, they were — they have been collecting for years to treat the water before it flows to the Manila Bay. Matagal na ‘yan. Anak ka ng p***** i** niya,” birada pa ng Pangulo.

Source: PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: