Local News

“Tigilan mo ang puro pa-media!” – Strategy ni Leni, Butata kay Senate President Sotto!

Sinuportahan ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang mga sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Director General Aaron Aquino na hindi na kailangan ni Vice President Leni Robredo ang high-value drug targets list.

Magugunita na pinalagan kahapon ni PDEA CHief Aquino ang paghingi ni Robredo ng listahan ng high-value drug targets. Diskumpiyado din si Aquino kung saan ito gagamitin ni Robredo.

“Meron atang hinihingi na lists. One example ‘yung list ng high-value targets. So I think, nag-iisip naman ako bakit kailangan niya in the first place. Wala naman sa mandates namin ‘yun, na kailangan kumuha ng listahan ng high-value target… Why are you getting the list of drug addicts na you are just, iniisip ko kasi (I am thinking) we are just — kasi co-chairperson ko siya,” banat ni PDEA Chief Aquino.

Dapat din daw tiglan ni Robredo ang panay pagsasalita nito sa media ng mga istratehiyang balak gawin sa kampanya kontra-droga.

“Ang pinakamaganda, tigilan mo muna ang media media kasi nate-telegraph ang strategy. Dapat diyan, submarine approach. Kailangan under the radar ang tira… and then later on, lilitaw ang accomplishment. Hindi yung lilitaw agad ang mga plano at strategy baka walang marating,” sabi ni Senate President Sotto.

Naniniwala din si Senate President Sotto na dapat pagtuunan ni Robredo ng pansin ang rehabilitasyon ng mga nalulong sa droga.

“Kasi ang strategy na supply reduction, tama yan. Targetin mo pushers [at] drug dealers para pigilin mo supply. Kailangan pigilin mo rin ang drug dependent,” paliwanag pa ni Sotto.

Kanina ay nagbanta si Pangulong Duterte na sisibakin niya si Robredo kung sakaling ilabas nito ang mga sensitobong impormasyon ng pamahalaan.

“There’s a limit to that. I know that she’s a lawyer and she has other advisers… There are certain matters that should be kept with the government, that classified matters cannot be shared. Once [she does] that, she’s out, I would fire her. Because you jeopardized the security of the state,” sabi ni Pangulong Duterte.

Source: News5 | GMA News | News5 | Inquirer | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: