Local News

Tignan! Malaking Anti-DU30 Poster, Nakasabit sa Maynila

Lumitaw ngayon sa social media ang litrato ng isang footbridge sa lungsod ng Maynila na may nakasabit na anti-government poster.

Sa nasabing poster ay may nakasulat na “1 taon na ngpalpak na tugon ni Duterte sa pandemiya”. At sa ibabang bahagi nito ay isang sign board na may nakasulat naman na “Ang Bagong Maynila”.

Hindi pa tiyak kung saan bahagi ng Maynila ito kinunan ng litrato at kung sino ang naglagay ng poster.

Pero magugunita na noong naglagay ng anti-communist posters sa Maynila ay agad itong pinatanggal ni Manila Mayor Isko Moreno. Para kay Isko, hindi raw kailangan ang mga nasabing poster dahil panahon daw ng pandemiya.

“Huwag niyo na po ilagay sa Maynila ‘yan Uubusin ko po iyan.

May directive na po ako sa DPS na tanggalin ang mga tarpaulin na ito. ‘Di po natin kailangan ang mga ito sa gitna ng pandemiya. Dapat magkaisa po tayong mga Pilipino,” sabi ni Mayor Isko.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén