Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Tila Sardinas sa Siksikan? Mga Batang Atleta, Isinakay na Nakatayo at Pinagsisikan sa Isang Truck!

Sapul sa camera ang ginawa sa mga batang atleta mula sa Rizal, Palawan. Pinagkasya at pinasakay na nakatayo kasi ang mga ito sa isang truck. Lalahok ang mga manlalaro sa isang pagpupulong sa bayan ng Bataraza.

Mapapansin na ang isa sa mga truck ay wala pang bubong at nakabilad ang mga bata sa araw.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Education (DepEd) sa insidente.

Inulan ng batikos sa social media ang ginawa sa mga bata. Naririto po ang ilan sa mga naging reaksyon at tugon ng mga netizens sa ginawa sa mga bata.

“Buti pa mga bilanggo pag nililipat ng ibang correctional nakaupo at kwardyado pa. Ayan mga mag aaral nating atleta tila nagpinitensya na wala pa nga ang laro ngarag na. Anyare sa earth?” sabi ni L. Namidnamir.

“why is it so easy to put our children jn these vehicles pero our mga tongressmen and kangkongressmen in luxury vehicles,” sabi ni F. Sanchez

“konting aruga naman po sa mga manlalaro natin, may budget naman yan, sana man lang sa aircon bus isinakay at saka dapat sitting capacity lang hindi siksikan, wala na nga bayad manlalaro ganyan pa kalalagayan, NASAAN ANG BUDGET PARA SA MGA MANLALARO NA YAN, tingnan mabuti bka yung travelling expenses nyan sibra laki tapos libre lang sinakyan, tingnan nyo mga opisyal ng shcool nyan at coaches naka aircon na sasakyan may alalay pa,” sabi ni E. Arciaga.

“Mantakin mo bugbog katawan sa biyahe pano cla makakapag participate sa sports na sasalihan nila ng maayos kung ganyan naman kahirap sinapit nila sa biyahe palang.nakatayo pa jusko,imaginin mo anak mo isa sa mga yan.baka ung iba hindi pasalihin ang mga anak pag ganyan naman,” sabi ni L. Almeron.

“Grabe nmn ung LGU s lugar n yan.. hindi manlang magprovide ng service khit mini bus or coaster for them or khit magrent manlang ng sasakyan n kumportable cla. Ginawa niong alagang baboy ung mga batang atleta. ,” sabi niE. Quijano.

Source: Rex Ruta via ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén