Local News

“Tirahin mo ako nang Harapan” Sabi ni De Lima kay Senator Dick!

Inalmahan ni Senador Leila de Lima ang alegasyon ni Senador Richard “Dick” Gordon na isa siya sa nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ayon kasi kay Gordon, maaring nagamit daw ni De Lima ang GCTA law para makaipon ng pondo para sa pangangampanya nito noong 2016.

Buwelta ni De Lima, iresponsable umano ang maling impormasyon na ikinalat ni Gordon laban sa kanya dahil wala naman daqw naipakitang matibay na pruweba na pinakinabangan niya ang nasabing batas.

“Tigilan mo na ako Sen. Gordon. Nakakulong ako at walang kakayahan na makipagsabayan sa publiko at media sa paninira mo sa akin,” resbak ni De Lima.

Banat pa ni De Lima, kung titirahin daw siya ni Gordon ay dapat gawin ito ng kapwa niya senador nang harapan upang makasagot siya sa mga alegasyon laban sa kanya.

“Sana sa susunod na tirahin mo ako ay sa mukha ko at magkaharap tayo, at may pagkakataon akong pasinungalingan ang iyong mga malisyosong paratang sa akin,” banat ni De Lima.

Magugunita na binatikos ni Gordon si De Lima dahil sa pagbaluktot umano ng implementing rules and regulation (IRR) ng GCTA law noong kalihim pa raw si ito ng Department of Justice (DOJ).

“I didn’t really want to go into this. But you know, when the GCTA was signed by the President, he would consult the Secretary of Justice: ‘Is this OK?’ You study it first before signing it… She was in charge of the IRR. Half of the IRR was hers because of DOJ’s power over the Bureau of [Corrections]…She could have seen that… She [De Lima] will then saw that I’m just assuming things. But you know, the problem is, it was about to be a campaign period and there were accusations against her — I gave it short shrift, right? — but there were accusations against her that there is fundraising going on in Bilibid. In Bilibid, you can make a lot of money in drugs, in food, in GCTA,” banat ni Gordon laban kay De Lima.

Resbak naman ni De Lima, nagpapalad lang daw ng papel si Gordon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Stop defaming me, Sen. Gordon! Stop using me to please, and ‘redeem’ yourself to Duterte,” sabi pa ni De Lima.

Source: Abante | Archive | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: