Local News

Tissue sa Public Toilet, Kinalat ng mga Kabataan! Kalokohan nila Kinunan pa ng Video!

Viral ngayon ang post ng kababayan natin na si Joshua ANgelo Tadeo Frial tungkol sa ilang kabataan na nagkalat ng nakalaan na tissue para sa isang pampublikong palikuran.

Sa post ni Frial na may kalakip na video, makikita ang mga kabataan na tuloy-tuloy na hinahatak ang toilet paper sa dispenser nito at hinahayaan lang din nila na kumalat ang tissue sa sahig ng palikuran. Sa isang bahagi ng video, mapapanood ang mga kabataan na nilagyan nila ang inidoro ng sobrang daming tissue na maaring maging sanhi ng pagbara. Ayon kay Frial, nakatira daw sa Pasig ang mga salbaheng kabataan.

“Oh mga ateng, bakit ninyo binura yung video? Ano nagising na ba kayo sa katarantad*hang pinagagawa ninyo sa mga Pampublikong palikuran.”

Ma—- Ta—- tara gusto mo sumikat diba. Sige pasisikatin ka namin para hindi ka na makalabas ng bahay mo at ng tropa mo!

Paki-share lalo na sa mga taga Pasig diyan tandaan ninyo mga pagmumukha nila” sabi ni Frial.

Habang isinusulat ang artikulo na ito ay umabot na sa lagpas 30,000 na ang nagbahagi ng video at libo-libong netizens na rin ang nagkomento sa post ni Frial.

Naririto po ang naging reaksyon at komento ng ilang kababayan natin sa kabalbalang ginawa ng mga kabataan.

“Are these the kind of youth we are producing nowadays. No more good manners, respect and self discipline. Is this the result of Juvenile law?” sabi ni G. Canoy.

“Sana hindi lumaking ganyan ang anak ko. Nkakalungkot sa isang ina na lumaking ganyan ang anak nila. Kahit hndi naman nagkulang ang mga mgulang nila,talaga lang ang mga kabataab ngayon kung ano na lang maisipan ginagawa,” sabi ni L. Opulencia.

“Dapat dito sa pilipinas kagaya sa Ibang bansa eh 12 yrs old once na gumawa ka ng isang krimen o di kanais nais ay maaari kang makulong.. Lumalaki kasi ulo ng mga kabataan ngayon lalo na minor age tsk tsk” sabi ni R. Ay.

Source: Joshua Angelo Tadeo Frial | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén