Local News

‘Titindig na ako para sa Mahal ko!’ Sharon Cuneta, Dinepensahan si Kiko!

Kagabi ay nag-trending ang hashtag na #OustKiko sa social media platform na Twitter. Ito ay para alisin si Kiko bilang chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Ayon kay Kiko, handa siyang bakantehin ang pwesto kung liderato ng senado ang magsasabi sa kanya. Pero hindi daw siya magpapadala sa panawagan ng mga online trolls.

Rumesbak naman si Megastar Sharon Cuneta sa mga bumabatikos sa kanyang asawa. Ayon kay Cuneta, enough is enough. Titindig na raw siya para ipagtanggol ang kanyang minamahal.

“So now, my husband naman. I want to refrain from posting about politics na, but sorry po – I have to stand up for what is right – especially if it involves someone I love. Matagal ko na pinalampas ang mga pamimintas at masasakit na salita laban sa asawa ko, pero hindi na po kaya ng pamilya namin. Lalo na ng mga anak naming wala namang malay at di hiniling na dito sa pamilya namin sila isilang. I wonder who’ll be next? Going too far. So sad. O, Pilipinas naming mahal…ano na ang ginagawa sa iyo…Dear God, You are alive, You see all, You know all. We trust only in YOU.πŸ™πŸΌπŸ™πŸΌπŸ™πŸΌ Kalma lang. Nandyan ang Panginoon. At KAMI, NANANALIG SA KANIYA. Bilog ang mundo. At mapalad ang inaapi. God bless us all.πŸ™πŸΌπŸ™πŸΌπŸ™πŸΌ #enoughisenough”

Source: Manila Bulletin | Sharon Cuneta

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: