Local News

To the Rescue? Sharon Cuneta, Pinagtanggol si Kakie Pangilinan Matapos Putaktihin ng Dislikes ang Performance!

Hindi na napigilan ni Sharon Cuneta ang kaniyang sarili at ipinagtanggol na ang anak na si Frankie “Kakie” Pangilinan. Ginawa ito ni Cuneta matapos putaktihin ng “dislike” reaction ang video performance ni Kakie sa Wish youtube Channel kung saan kinanta niya ang debut single na “TYL”.

Magugunita na pumalo na sa lagpas 100,000 dislikes na ang inaning reaksyon ng performance ni Kakie.

Sa kaniyang social media account, pinahayag ni Cuneta ang kaniyang suporta kay Kakie. Tinawag ni CUneta na “talented” ang kaniyang anak at bilib din daw ito sa musika ni Kakie. Nagpasaring din si CUneta sa mga kritiko ni Kakie.

“Love and light, our dearest, most precious, beautiful and talented daughter, KAKIE! Your music is awesome!!!❤️❤️❤️ We and millions of (real, not bots!) people out there love you so much!” banat ni Cuneta.

Si Kakie ay anak ni Cuneta kay opposition senator Francisco “Kiko” Pangilinan. Katulad ng tatay niya, mahilig din bumatikos si Kakie sa Duterte Administration.

Si Pangilinan ay ilang ulit nang binanatan ni Pagulong Rodrigo Duterte dahil sa inakda nitong batas na “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006”. Ayon sa Pangulo, palpak ang nasabing batas at nagiging daan lang para maabsuwelto ang mga batang kriminal.

Source: Sharon Cuneta | Wish

Leave a Reply

Theme by Anders Norén