Local News

Todas sa Engkwentro! 2 Suspek na Nagpanggap na PDEA para Mandukot, Hindi Nakaporma!

Dedbol ang inabot ng 2 kawatan na nagpapanggap na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para magsagawa ng kidnapping.

Nakilala ang isa sa mga suspek na si Michael Corpuz. May limang arrest warrant ang nakapangalan kay Corpuz. Habang ang isa sa mga salarin ay hindi nakikilala.

Ayon sa otoridad, nanlaban ang dalawa habang nasa kubo sa isang liblib na lugar sa Botolan, Zambales.

Sa CCTV footafe ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG), mapapanood ang aktuwal na kidnapping operation ng grupo ni Corpuz sa Maynila noong 2020.

Base sa paliwanag ng PNP-AKG, nakuha nila ang footage nang ma-recover nila ang mobile phone ng isa sa mga kawatan na napulbos nila sa isang operasyon sa Pililla, Rizal noong Oktubre 2020.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén