Local News

“Walang Mass Testing? Sana 2022 na! Sarap Bumoto Uli!” – ABS-CBN Talent Pokwang

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, naglabas ng reakyon ang komedyanteng si Pokwang tungkol sa isyu ng mass testing para sa coronavirus disease 2019 (covid-19)

“Totoo po ba walang magaganap na mass testing? As in wala? So kami na po bahala sa buhay namin ganern? Matira matibay na lang talaga? Salat po sa pagmamahal ha… Wooo sana 2022 na! Sarap bumoto uli!” banat ni Pokwang.

Magugunita na ipinaliwanag kamakailan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang anumang bansa na nagsasagawa ng testing sa lahat ng mamamayan nito. Klinaro din ng tagapagsalita ng Pangulo na may ginagawa ang pamahalaan na expanded targeted testing.

“Mayroon po tayong expanded target testing. Siyempre sa simula ay mahina po iyan dahil bago pa lang ang sakit na ito. Bago ang mga teknolohiya at laboratories para i-testing sa sakit na ito. Yes, kakaunti tayo nung nagsmila pero we are aiming for 30,000,” sabi ni Roque.

Narito ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pinagssabi ni Pokwang.

“OA naman neto dito sa japan walang ganyan disiplina lang huy
Wala den militar dito pero marunong kaming sumunod kung ano un dapat sundin
Kahit i mass testing lahat kung tao mismo walang disiplina wala den batas militar lang talaga makakapag disiplina dyan saten sa pinas,”
A. Johnson

“Akala mo nman sinu din e2ng pokwang sana nga 2022 na maalis na lahat ng traydor at maiboto na ang dapat at ikaw wag ka ng bumoto dahil iboboto talo sayang ang boto…napaka OA nasa saudi ako riyadh wala gumagawa ng mass testing dito may nararamdaman ka tatawag ka saka ka pupuntahan at e test,pilingera”
– F. Garcia

“Madam pokwang lab kita na komedyante , please wag ka na sumali sa usaping politica. Really mass testing? Magkano isang testing kit? Jusko. Dito nga sa ibang bansa d kaya ang mass testing.. discipline po kailangan natin. Pag wala ng bagong case, back to normal na tayo,” – S. Kaidee

Source: News5 | Archive | Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: