Local News

Transport Group, Nagbanta naman ng Isang Linggong Tigil-Pasada!

Matapos ang isang araw na tigil-pasada noong Setyembre 30, nagbanta na naman ang transport group na Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) na magsasagawa sila ng isang linggong transport strike kung hindi daw haharap ang gobyerno para sa talakayin ang public-utility vehicles (PUV) modernization ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo ng ACTO na si Efren De Luna, dapat daw mamagitan ang opisina ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para makipagdayalogo sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr).

Banat ni De Luna, sa programa ng DOTr ay hindi makakasali ang mga maliliit na jeepney operators at drivers. Nagmamatigas din daw ang mga ahensiya at ayaw makipagdayalogo sa kanila.

Magugunita na naglabas ng pahayag sa kanyang social media account ang tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Ms. Celine Pialago at binanatan ang mga transport group na nagtigil-pasada.

“‘Yung programang pinoprotesta niyo ay PUV Modernization, programa na naglalayon na pagandahin ang sistema at kondisyon ng mga jeepney sa bansa. Ang intensyon nito alisin ang mga kakarag karag na unit ng jeepney, gawing komportable ang sakayan ng lahat ng Pilipino, maging safe para sa lahat, environment friendly at hindi yung nagbubuga ng maitim na usok. Itong programang ito pa ba ang masama ngayon? And you have the nerve to complain,” sabi ni Pialago.

Buwelta pa ni Pialago, panay na lang daw ang pag-angal ng mga militante kahit na maganda ang intensyon ng pamahalaan.

“Despite the good intentions of the government, puro reklamo lang ang kaya niyong gawin. Nasasanay kayong gobyerno ang mag aadjust sa lahat ng reklamo niyo particularly dito sa PUV Modernization Program. You can never threaten the government. You should follow the system and if you have complaints, follow the protocol,” ani Pialago.

Ano ang inyong masasabi sa gustong mangyari ng transport group na ACTO?

Source: DWIZ | MMDA Spokesperson Celine Pialago

Leave a Reply

Theme by Anders Norén