Local News

Trillanes, Ayaw na may Pulis sa mga Paaralan?

Para kay dating senador Antonio Trillanes, suportado niya ang pag-alma ng mga estudyante para huwag papasukin ang mga alagad ng batas sa mga eskwelahan. Ipinakita niya raw ang pagsang-ayon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkansela ng kanyang klase.

“Sumasang-ayon ako sa (UP) community. In fact, yesterday, kinasela ko ang aking klase to symphatize with the cause dahil sa tinutulak na iyan,” boladas ni Trillanes.

Magugunitang inilulutang ang ideya na magkaroon ng mga pulis at sundalo sa mga pook paaralan para malabanan ang pagre-recruit ng mga leftist groups sa mga naturang institusyon. Ang panukala na ito ay napag-usapan matapos ang mga ulat ng mga estudyanteng “nawawala” matapos mahikayat sa leftist organization na Anakbayan.

Itong nakalipas na linggo ay dumalo si Ginang Relissa Lucena at mga kapwa niya magulang sa pagdinig sa seando upang ilahad ang sinapit ng kanilang anak matapos mapaanib sa makakaliwang grupo. Ayon sa mga magulang, nag-iba daw ang mga ugali ng kanilang mga anak matapoos sumali sa Anakbayan.

Hindi rin pabor si Trillanes sa anti-subversion law. Ang naturang batas ay magiging daan para gawing krimen ang komunismo at ang pagsali sa mga parehas na mga organisasyon.

“Isang instrumento iyan ng diktador at marami na namang mga kababayan natin ang magiging biktima ng opresyon at brutalities ng security forces. Wala iyan lugar sa demokrasya,” angal ni Trillanes.

Hindi pa nakuntento si Trillanes at nagpahapywaw na naman sa Duterte Admnistration.

“Alam niyo bago tayo pumunta sa isyu na iyan, mayroong mahigit 30,000 na Pilipino na pinapatay noong Presidente natin. ‘Yun ang mas mabigat na kasalanan. ‘Yun ang kailangan natin i-address, ang pang-aapi, hindi lang ng mga banyag kung hindi mismo yung mga namumuno sa atin,” patutsada pa ni Trillanes.

Matapos ang kanyang termino sa senado, si Trillanes ngayon ay nagtuturo sa National College of Public Administration and Governance (NCPAG) sa University of the Philippines (UP).

Source: News5 | FB | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén