Local News

Trillanes, Hinalintulad sa ‘Ebak ng Aso’ ni PDU30!

Nitong nagdaang araw ay naglabas ang International Criminal Court (ICC) ng pahayag ukol sa anto-drug campaign ng Pilipinas. Ayon sa ICC, may nakita daw silang “resonable basis” upang paniwalaan na mayroong nangyaring crime against humanity sa pagpapatupad ng drug war.

“The Office is satisfied that information available provides a reasonable basis to believe that the crimes against humanity of murder, torture and the infliction of serious physical injury and mental harm as other inhumane Acts were committed on the territory of the Philippines between at least 1 July 2016 and 16 March 2019, in connection to the [war on drugs] campaign launched throughout the country… The Court retains jurisdiction over alleged crimes that have occurred on the territory of the Philippines during the period when it was a State Party to the Statute, namely from 1 November 2011 up to and including 16 March 2019,” patutsada ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda.

Ang pahayag na ito ng ICC ay ikinatuwa ni former rebel Antonio Trillanes. Ayon sa dating rebelde, kailangan managot ni Pangulong Rodrigo Duterte at alam niya na nangangatog na raw sa takot ang Presdiente.

“The time for reckoning is near for Mr. Duterte, his cohorts and enablers. They have to answer for the thousand of Filipino lives killes during his brutal war on drugs. Duterte may try to ignore the jurisdiction of ICC over him, but deep inside he knows that he cannot get away from this one. Having profiled Duterte, I am sure na nanginginig na ‘yan sa takot,” boladas ni Trillanes.

Sa kaniyang public address ay agad binanatan ni Pangulong Duterte si Trillanes at hinalintulad ang dating rebelde sa dumi ng hayop.

“Alam mo sa totoo lang Trillanes, kung mas bright ka sa akin, kung mas marunong ka, ikaw na sana ang nagdaldaldal dito, hindi ako… Kaya kung tatakbo ka ng presidente, senador… People of the Philippines, mga kababayan ko, mga Bisaya, wala itong nagawa kung hindi manira ng tao… Trillanes alam mo, kapag nakikita ko ang pangalan mo, ang nakikita ko tae ng aso. You’re a sh*t of a dog,” resbak ni Pangulong Duterte.

Source: News5 | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: