Local News

Trillanes, Ipinatatawag na ng DOJ dahil sa Kasong Kidnapping!

Naglabas na ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa kasong kidnapping at serious illegal detention na inahain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) noong nakaraang buwan.

Pinadadalo ni Assistant State Prosecutor Gino Paolo S. Santiago si Trillanes sa preliminary investigation sa Oktubre 11, alas-2 ng hapon.

“You are hereby warned that failure on your part to comply with the subpoena shall be considered as a waiver of your right for the investigation to verify and confirm the allegations of your complaint and the case shall be considered submitted for resolution based on the evidence on record,” sabi sa subpeona.

Ang kasong kidnapping na inihain ng PNP-CIDG ay nagmula sa reklamo ni Guillermina Barrido a.k.a. Guillermina Arcillas, isang negosyante sa Davao.

Ayon kay Barrido, dinukot daw siya at na-detained mula December 6 hanggan 21, 2016 sa isang kumbento para pilitin siyang pimahan ang ready-made na affidavit para siraan si President Rodrigo Roa Duterte. Ang sworn statement laban sa pamilya Duterte na ipinilit na ipapirma daw sa kanya ay in-execute noong 2017. Pagbubunyag pa ni Barrido, pinalipat-lipat daw siya mula sa Convent of Cannussian Sisters sa Makati City patungong Holy Spirit Convent sa Quezon City sa loob ng dalawang linggo.

Ilan pa sa mga pinangalanan ni Barrido ay sina Fr. Albert Alejo, lawyer Jude Sabio at Sister Ling.

“It is clear from the foregoing that herein respondents, maliciously and intentionally put the complainant under detention for 14 days in order to force her to do something against her will,” sabi ni Police Lt. Col. Domingo D. Soriano.

Bukod sa kasong kidnapping, nahaharap din si Trillanes sa kasong libelo na isinampa ng kongresista at presidential son na si Paolo Duterte at ng bayaw nito na si Attorney Mans Carpio. May kasong sedisyon din na naka-amba laban kay Trillanes.

Source: Philippine News Agency

Leave a Reply

Theme by Anders Norén