Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Trillanes, Kinasuhan ng Kidnapping at Serious Illegal Detention!

Naghain ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng kasong kidnapping at serious illegal detention sa Department of Justice (DOJ) laban kay former Senator Antonio Trillanes IV, Attorney Jude Sabio, Sister Ling, at Father Albert Alejo. Si Sabio ang abogado na naghain ng communication laban kay Presidente Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court o ICC.

Ang kaso ay kaugnay sa reklamo ni Guillermina Barrido aka Guillermina Arcillas na na-detained umano ng halos 2 linggo sa isang kumbento sa lungsod ng Quezon noong huling bahagi ng 2016.

Magugunita na lumutang si Barrido noong 2017 para ituro si Trillanes na nag-alok ng diumano ng suhol sa kanya para magsalita at siraan si Pangulong Duterte.

Bukod sa kasong ito, nahaharap din si Trillanes sa sedisyon. Ang dating senador ay isa sa itinuturong nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” video series. Ang nasabing mga videos ay inilabas noong panahon ng kampanya para maapektohan ang tsansang manalo ng mga kandidato ng administrasyon. Sa videos, maririnig na nagsasalita ang lalaking nagpakilalang alyas “Bikoy” at idinadawit ang mga kaanak at kaibigan ni Pangulong Duterte sa kalakalan ng iligal na gamot. Lumantad si Bikoy o Peter Joemel Advicnula matapos ang eleksyon at itinuro si Trillanes, ex-senator Bam Aquino, senator Risa Hontiveros at ilang senatoriables ng Otso Diretso na sangkot sa paggawa ng black propaganda videos laban sa Presidente.

Ayon pa sa mga ulat, itinuturo din ni Bikoy ang ilang alagad ng simbahan at ilang opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na nasa likod umano ng paninira sa Presidente.

“Sa pamamagitan ng pag-uudyok sa mga tao na mag-aklas laban kay Pangulong Duterte. Magagawa namin ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga ‘fake news’ at gawa-gawang kuwento patungkol kay Pangulong Duterte, at sa kaniyang pamilya at administrasyon. Nilalayon namin na mawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa kaniya at tuluyang mapatalsik siya sa puwesto,” sabi ni Bikoy sa kanyang affidavit.

Source: GMA News | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén