Local News

Trillanes, Kinontra ang Sarili sa Bikoy Isyu ayon sa Opinyon ng Political Blogger na si Thinking Pinoy

Kahapon ay nag-privilege speech si Senador Antonio Trillanes sa senado para depensahan ang sarili sa pagsasangkot sa kanya ni Peter Joemel “Bikoy” Advincula sa serye ng mga anti-Duterte videos na ini-uugnay ang Pamilya ng Presidente Rodrigo Duterte sa droga.

Base sa talumpati ni Trillanes, inamin nito na naka-usap niya si Advincula noong nakaraang taon pero hindi niya binigyan ng halaga ang mga sinabi nito dahil nakukulanagan daw siya at magulo umano ang detalye.

“Una nang inilapit sa akin ng mga pari si Bikoy last year dahil siya daw ay papatayin ng sindikato ng illegal na droga. Pinakinggan ko siya pero nakulangan ako at naguluhan sa mga detalye kaya isinantabi ko,” sabi ni Trillanes.

Pero ang bagong pahayag na ito ni Trillanes ay agad hinimay ng radio host at pro-government blogger na si RJ Nieto (Thinking Pinoy). Ayon kay Thinking Pinoy, kinontra daw ni Trillanes ang sarili nito sa isyu ng Bikoy videos.

Isa sa mga ipinunto ni Thinking Pinoy ay ang pahayag ni Trillanes noong unang lumabas ang mapanirang video. Magugunita na sinabi ng senador na maayos daw na naipaliwanag ang koneksyon ng Pamilya Duterte sa droga. Bagama’t hindi daw siya bahagi sa paggawa ng video, sana daw ay parte siya sa pagbuo ng video.

“First of all, let me congratulate the people behind the videos that linked the Duterte family to illegal drugs! The accusations of the witness were very serious, quite pointed and well-explained… Having said that, I really wish I was part of the making of the videos so I could relish these moments but sadly I am not. In the meantime, I am looking forward, as everyone else, to the next episode,” sabi ni Trillanes noong Abril.

Ang pangalawang punto ni Thinking Pinoy ay ang sinabi ni Trillanes noong nahuli si Rodel Jayme, ang web administrator ng MetroBalita.net, isa sa mga website kung saan unang in-upload ang video. Mapapansin na tila gustong palitawin ni Trillanes na mayroong butil ng katotohan sa mga sinasabi sa Bikoy videos.

“Ang tanong dito, totoo ba o hindi yung mga akusasyon ni Bikoy? Kung totoo, eh ano ang kasalanan nitong Jayme na ito at nitong si Bikoy. Eh di wala. KASI HINDI KRIMEN ANG MAGSABI NG TOTOO,” sabi ni Trillanes nang nasakote si Jayme.

Ito po ang buong paliwanag ni Thinking Pinoy sa isyu.

“It’s clear that Trillanes, after seeing the videos, was so impressed by them that he even said they were “well-explained” and that he wished to have had a part in making them.

He even gave credence to the claims as he defended Rodel Jayme’s alleged involvement in the videos, saying “it’s not a crime to tell the truth.”

After Advincula changed sides and implicated Trillanes in making the scurrilous libel that is the Bikoy Videos, he said he had nothing to do with it.

A week or so later, Trillanes said he in fact met Bikoy/Advincula months before the videos’ release to talk about Advincula’s supposed expose, but he said he didn’t give Advincula much credence because he didn’t “pass the vetting process”.

Judging from his recent statements, Trillanes knew of the story Advincula’s peddling even before the publication of the Bikoy videos.

Trillanes initially said the claims appear to be well-explained and possibly truthful. But now that he’s implicated, he said the claims failed the vetting process?

If Advincula’s claims failed Trillanes’ vetting process, why would Trillanes even give the videos the benefit of the doubt (which he did)?

That simply doesn’t add up. I smell something rotten going on here.” sabi ni Thinking Pinoy.

Source: Thinking Pinoy | Inquirer | Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén