Local News

Trillanes, Pinuri ang Black Propaganda laban sa mga Duterte!

Tila ikinatuwa ni Senador Antonio Trillanes ang video ipinakalat ng mga kontra sa kasalukuyang gobyerno tungkol sa pagkakadawit umano ng ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng iligal na droga. .

“First of all, let me congratulate the people behind the videos that linked the Duterte family to illegal drugs! The accusations of the witness were very serious, quite pointed and well-explained. ,” sabi ni Trillanes.

Ayon sa senador, hindi daw siya naging parte sa paggawa ng video pero ikalulugod daw niya kung naging bahagi siya sa pagbuo ng video.

” I really wish I was part of the making of the videos so I could relish these moments but sadly I am not,” dagdag pa ni Trillanes.

Ayon kay Paolo Duterte, naniniwala siya na si Trillanes ang nasa likod ng naturang video at plano niya magsampa ng bagong kaso laban sa senador.

Sa video na may pamagat na “Ang Totoong Narco List”, ipinakilala ang isang tao na pinangalanang “Bikoy”. Inakusahan ng naturang Bikoy sina Paolo Duerte at ang bayaw nito na si Mans Carpio na tumatanggap daw ng payola sa kalakaran ng droga.

Ang video na ipinagkakalat ng mga kontra sa kasalukuyang administrasyon ay hinimay at binutasan ng mabuti ng mga taga-suporta ng Presidente. Natuklasan na ang video ay nagpakita ng mga kahina-hinalang papeles at minanipulang pirma.

Source: CNN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén