Local News

Trillanes to Panelo: May Pa-Matrix Matrix Ka Pang Nalalaman, Umayos Ka!


Kasunod ng inilabas na matrix ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kanyang press briefing sa MalacaƱang kung saan inihayag niya ang umano’y pagkakaugnay ng ilang grupo, media at iba pang personalidad sa umano’y planong pagpapabagsak sa Administrasyong Duterte at diumano’y pagpapalakas sa kandidatura ng opposition senatorial bets, may buwelta naman sa kanya si Senator Antonio Trillanes IV.

Kasama kasi sa nasabing matrix na ipinrisinta ni Panelo ang Liberal Party, Philippine Center for Investigative Journalism, National Union of People’s Lawyer, mga mambabatas na sina Neri Colmenares at Carlos Zarate, ilang personalidad mula sa Vera Files, at ang grupong Magdalo-kung saan ang lider ay si Trillanes.

“Si Duterte ang nagpapatay ng libu-libong Pilipino, may bilyun-bilyong pisong tagong yaman, gumigiba sa mga democratic institutions, ang nagmumura sa Diyos, at nag-iimbento ng mga akusasyon sa mga kritiko niya, tapos kami ang nagdi-discredit?,” saad ni Trillanes.

“May pa-matrix matrix ka pa nalalaman, umayos ka nga, Mr. Panelo,” dagdag pa ng senador.

Samantala, nauna na ring pinabulaanan ni Senator Kiko Pangilinan ang nasabing akusasyon at sinabing gawa-gawa lamang daw ito at diversionary tactic lamang daw ito upang ilihis ang usapin ukol sa mga isyung kinasasangkutan umano ng Administrasyong Duterte na kailangang bigyang-kasagutan.

Mariin ding itinanggi ni Vera Files President Ellen Tordesillas ang kanilang pagkakadawit sa nasabing matrix at hinamon nito si Panelo na patunayan ang mga paratang nito sa pamamagitan ng pagpiprisinta ng matibay umanong ebidensya.

“I deny allegations by Presidential Spokesperson Salvador Panelo linking me to any imagined destabilization efforts against the administration. I challenge him to present evidence, not just silly diagrams,” saad ni Tordesillas.

Source:
GMA News
Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén