Local News

Trillanes, Umarkila ng Social Media Trolls para Mang-Harass ayon sa ‘Kidnap Victim’

Inakusahan ni Guillermina Lalic Barrido si former senator Antonio Trillanes IV na nag-arkila umano ng mga social media trolls para gipitin ang mga kaanak niya. Sinabi ito ni Barrido ilang sandali matapos ang preliminary investigation at harapang murahin si Trillanes sa Department of Justice. Ang imbestigasyon ay may kaugnayan sa kasong kidnapping na isinampa laban sa dating mambabatas.

Ayon kay Barrido, pinilit umano siya ng kampo ni Trillanes na paratangan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte tungkol sa mga patayan. Rebelasyon pa ni Barrido, ang kampo din daw ni Trillanes ang nagkulong sa kanya sa isang kumbento upang planuhin ang paninira sa Pangulong Duterte. Banat pa ni Barrido, muntik na raw malagay sa kapahamakan ang kanyang anak dahil sa ginawa ni Trillanes.

Ang affidavit na ginamit na basehan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) upang sampahan ng kasong kidnapping sina Trillanes, Jesuit priest Fr. Albert Alejo, lawyer Jude Sabio at Sister Ling ay inayunan ni Barrido sa katatapos lang na preliminary investigation.

“Ilang years na nagtiis ako sa ginawa niya sa amin. Nang-harass pa siya. ‘Yung anak ko muntik pang madisgrasya… Napakasinungaling ng Trillanes na iyan. ‘Yung mga pinalabas niya at binayaran niya sa social media, ‘yung anak ko na-harass na sa eskwelahan. Mayroon siyang binayaran para mang-harass sa pamilya ko,” sabi ni Barrido nang makapanayam ng ilang media.

Itinanggi naman ni Trillanes ang mga paratang sa kanya ni Barrido. Tinira din ni Trillanes ang kredibilidad ni Barrido. Boladas pa ni Trillanes, hindi lang daw nabigyan ng pera si Barrido kaya ito bumaligtad.

“To be honest, ito ang kauna-unahang beses na nakita ko ang tao na iyan dito sa DOJ. So talagang, this is purely a harassment case. May history siya na panloloko at panganguwarta ng ibang tao, according sa nakalap naming ebidensiya,” ani Trillanes.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén