Local News

“Troll Kayo” Journalist Group, Tinira ang mga Tao na Bumabatikos sa FAKE News ng Media!

Imbes na gumawa ng aksyon at itama ang nangyaring maling pamamahayag, tinawag pa ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang mga netizens na bumabatikos sa mga fake news ng mainstream media na mga “trolls”.

“It is bad enough when trolls are let loose upon media reporting on the disastrous preparations of the Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) for the 30th SEA Games,” sabi ng NUJP.

Pinatutsadahan din ng grupo ang opsiyal ng PHISGOC dahil pinau-ulat daw sila ng positibo tungkol sa SEA Games.

“It becomes ridiculously unacceptable when the officials responsible for the disaster resort to bashing media as well, as if the reports on their shortcomings were to blame for the disaster. Just this Wednesday afternoon, PHISGOC COO Ramon Suzara called out media for what he described as continuously negative reporting, asking to publish instead positive reports and project the country in a good light,” boladas pa ng NUJP.

Katungkulan din daw ng mga media ang mag-ulat base sa katotohanan.

“The NUJP wishes to remind Mr. Suzara that the duty of the press has always been to report things as they are, based on verifiable facts, and not to pander to anyone’s perception of what is, or should be.,” ani NUJP.

Giit pa ng grupo, nakaranas daw ng panggigipit ang kanilang hanay.

“we laud the community of independent Filipino journalists who have insisted on reporting on what is happening without fear or favor, despite the heavy online harassment and trolling,” dagdag pa ng NUJP.

Nitong nakalipas na araw ay binatikos ng mga netizens ang ilang ulat na pinaglalalabas ng media tungkol sa SEA Games.

Isa sa mga maling ulat ay ang tungkol sa “kikiam” na inihain umano sa mga atleta. Sa pahayag ng Whitewood hotel, nilinaw nila na ang kanilang inihain ay “chicken sausage” at hindi “kikiam”.

Sa isang report naman ng Inquirer, ginamit ng naturang media outfit ang litrato ng under construction na football stadium ng UP bilang venue umano sa SEA Games. Ito ay nakarating sa kaalaman ng Biñan City Information Office at itinama ang maling ulat ng Inquirer.

Matapos tawagin ng Biñan CIO ang atensyon ng Inquirer, naglabas ang pahayagan ng paumanhin.

Source: NUJP

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: