Local News, World News

Trump Gov’t, Ikinakasa na ang Parusa laban sa China dahil sa COVID-19 Outbreak!

Tinitignan na ng gobyerno ng Estados Unidos ang ilang paraan kung paano nila mapaparusahan ang China dahil sa coronavirus disease 2019 (covid-19) outbreak na kumitil na ng buhay ng 60,000 Amerikano.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, ilan sa mga hakbang na maaaring gawin ng Amerika kontra China ay pagkakansela sa US debt obligation at paggawa ng bagong trade policies.

“We have to get the economy going again, we have to be careful about how we do this… But we will find ways to show the Chinese that their actions are completely reprehensible,” sabi ng isang administration official.

Inuudyukan na rin ang mga nasa intelligence community na makakuha ng impormasyon kung totoo nga bang nakalabas sa laboratoryo ang covid-19.

“The IC will continue to rigorously examine emerging information and intelligence to determine whether the outbreak began through contact with infected animals or if it was the result of an accident at a laboratory in Wuhan,” sabi ng Intelligence community.

Sinesegurado naman ni Secretary of State MIke Pompeo na pananagutin nila ang China.

“I am very confident that the Chinese Communist Party will pay a price for what they did here, certainly from the United States,” banat ni Pompeo.

Sa mga dokumentong nagmula sa mga intelligence agencies ng New Zealand, Australia, Canada, United Kingdom at United States o mas kilala sa tawag na “Five Eyes”, intensyonal daw na ikinubli o winasak ng China ang mga ebidensiya patungkol sa covid-19 outbreak bago pa ito naging dahilang ng pagkamatay ng libo-libong katao sa mundo. Inilarawan din sa intel dossier na “assault on international transparency” ang diumano’y ginawa ng China.

“[throughout February], Beijing [pressed] the US [sic], Italy, India, Australia, Southeast Asian neighbours [sic] and others not to protect themselves via travel restrictions, even as [China] impose[d] severe restrictions at home,” saad pa sa intel dossier.

Source: CNN Philippines | FOX NEWS

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: