Local News

“Tulfo, ang Laki ng Bunganga mo!” Heneral Parlade, Sinupalpal ang Journalist!

Hindi pinalampas ni Lt. General Antonio Parlade ang banat sa kaniya ng mamamahayag na si Mon Tulfo. Sa artikulo kasi ni Tulfo sa Manila TImes, gusto nitong palabasin na “clueless” ang heneral. Gusto din ni Tulfo na maalis si Parlade bilang military spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac).

“Parlade could be called clueless. That’s a pity because Parlade is also the spokesman of the long-winded National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac). Digressing, why is our government fond of giving grandiloquent names to its offices and agencies such as the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) when it could be shortened to National Disaster Council? Anyway, Parlade should be replaced as military spokesman by a more articulate officer,” boladas ni Tulfo.

Sa kaniyang social media account ay agad binutata ni Parlade si Tulfo. Buwelta ng heneral, malaki daw ang bunganga ni Tulfo.

“Hindi malaki ang bunganga ko tulad ni Mr Tulfo, pero sinisiguro ko mas malaki ang puso ko para sa bayan.
Hindi man ako articulate pero TOTOO ang sinasabi ko, hindi tulad ng sinasabi ni Mr Tulfo na puro base sa nabasa nya sa dyaryo, at maling basa nya.

Sino nagsabi na kumunista sina Liza, Angel, at Catriona? Ako? Hindi po Mr Tulfo kaya hindi ako ang nag redtag sa kanila. Baka ikaw. Kung ako sa iyo, magbasa ka muna ng mga post ko at huwag umasa sa mga articulate mong researchers.
By the way madaming articulate dyan sa AFP pero hanap ka muna ng may b*lls.

Baka sabihin mo maliliit na tao lang ang kaya kong tapatan tulad ni Joma kaya ito rin ang sagot ko para sa iyo.
Oo nga pala Mr Tulfo, nag desisyon na ang SC na hindi pwede ang testimonya ng dalawang Aeta na nagsabi na pinakain sila ng mga sundalo ng dumi.

Ito ay pawang kasinungalingan at propaganda na itinuro lang sa kanila ng NUPL.

Baka meron kang puedeng isulat na maganda para makatulong ka naman sa bayan natin.

Tinagalog ko na baka mapunaan mo pa English ko. Sorry sir, PMA graduate lang ako at hindi ko kaya mahal na eskwelahan.” sabi ni Lt. Gen. Parlade.

Source : Lt. Gen. Antonio Parlade via PCOO Usec. Lorraine Badoy | Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén