Local News

Tulfo, Kinikikilan ng P100,000,000 Million!

Nitong umpisa ng linggo, may isang ginang nanagsampa ng kasong bigamya laban sa TV5 news anchor na si Raffy Tulfo. Kinilala ang nagrereklamo na si Julieta Licup. Ayon sa kampo ni Licup, ikinasal daw si Raffy sa ibang babae habang sila ay kasal pa.

Sa programa ni Tulfo, nilinaw ng mamamahayag ang isyu sa pagitan nila ni Licup. Base sa pahayag ni Tulfo, noong naghihikahos pa lang daw siya na mamamahayag, pinalabas daw noon ni Licup na patay na siya para makapag-asawa ng banyaga.

Dahil sa ginawa ni Licup ay nagkaunawaan daw ang magkabilang panig na wala na lang pakialamanan sa isa’t-isa.

Pero ngayong taon ay lumapit daw si Licup kay Tulfo para manghingi ng P25 million at kalahati ng suweldo ng mamamahayag buwan-buwan. Nagbanta din daw si Licup na sisiraan si Tulfo kung hindi ito papayag.

Nanindigan ssi Tulfo na hindi siya padadala sa pangingikil ng kampo ni Licup.

Nilinaw din ni Tulfo bukas ang loob niya sa pagtulong sa anak nila ni Licup pero ayaw daw ibigay ni Licup at ng mga kamag-anak nito ang numero ng kanilang anak.

Source: Raffy Tulfo in Action

Leave a Reply

Theme by Anders Norén