Local News

Tulfo, Nagsalita na sa Pag-alma ng OFWs sa Overseas Absentee Voting!

Nakarating na sa beteranong mamamahayag na si Erwin Tulfo ang mga hinaing ng ilang kababayan natin na Overseas Filipino Workers (OFWs) tungkol sa paraan ng pagbotong ginawa sa ibayong dagat. Magugunitang may ilan tayong kababayan na inereklamo na ipinadadala daw sa pamamagitan ng liham ang kanilang boto, imbes na aktuwal na isuksok sa PCOS machine ang kanilang mga boto. Ang ikinatatakot nila ay baka hindi naman ipasok ng mga tauhan ng embahada ang mga balota nila sa makina dahil wala daw silang matatanggap na resibo.

“Hindi ko maatim ang mga posts ng mga kababayan natin, mga OFWs, ‘yung kanilang mga videos na pinost sa Facebook na nagrereklamo tungkol sa halalan, itong absentee voting sa ibayong dagat. Ang reklamo ho nila, na-mail na nila yung mga boto dahil no choice sila dahil yun ang gusto daw ng COMELEC pero wala naman resibo. Ikalawa, sinasabi nila na walang guarantee kung talagang yung na-mail nila na balota ay ‘yun talaga isinuksok sa PCOS machine kasi nga walang resibo. And I can understand the sentiments and frustrations,” banat ni Tulfo.

Binanatan din ni Tulfo ang paraan ng pagta-trabaho ng COMELEC at ang patuloy na paggamit sa PCOS machine.

“Kung inayos ba niyo ang trabaho, kung totoo at tapat ang inyong ginawa COMELEC at mga emmbahada, magkakarooon ba tayo ng mga recount?” banat ni Tulfo.

Source: Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén