Local News

Tulfo, Nagsalita na sa Pag Aresto kay Francis Leo Marcos!

Nakarating na sa kaalaman ng sikat na broadcaster na si Raffy Tulfo ang sinapit Norman Mangusin o mas kilala sa tawag na Francis Leo Marcos.

Magugunita na noong Mayo 19 ay inaresto ng mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) si Marcos dahil sa paglabag sa optometry law. Ayon sa ibang ulat, may inihahanda pa raw na kaso laban kay Mangusin.

Inalmahan ng mga ng mga taga-suporta ni Mangusin ang pagkaka-aresto sa iniidolo nila. Ayon sa mga fans ni Mangusin, tumtulong lang naman daw sa mga nangangailangan ang Internet sensation.

Dahil sa pagkakaresto sa Youtube personality, hinihingi ng mga tao ang opinyon ni Tulfo sa isyu.

Nagbigay ng reaksyon si Tulfo sa mga pagkwestiyon kung saan nakuha ni Mangusin ang kayamanan nito. Kailangan daw malaman ng NBI kung saan nagmumula ang pera ni Mangusin.

“Anong pakialam niyo kung saan galing ang pera niya? Kung siya’y namimigay ng tulong sa mga nangangailangan… So be it. Inggit lang kayo!… On the other hand, meron ding punto kayo. Now, alamin din dapat ng mga kinauukulan, since the NBI is already handling his case, imbestigahan ng NBI kung saan ba talaga galing ang kanyang pera,” sabi ni Tulfo.

Source: Raffy Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: