Local News

“Tulong Hindi Kulong!” Renato Reyes, Pinagtanggol ang mga Sumuway sa COVID-19 Quarantine!

Nitong umpisa ng Abril ay naging laman ng balita ang mga residente ng Quezon City na na nagsagawa ng rally kahit na may pinapairal na enhance community quarantine. Dahil sa ginawa ng mga residente, pinaghuhuli ito ng otoridad dahil sa paglabag sa quarantine.

Ayon sa opisyal ng Quezon City, pakana at sinulsulan daw ang mga ito ng leftist group na KADAMAY.

Todo-tanggi naman ang KADAMAY sa sinabi ng Quezon City government laban sa kanila.

Umeksena na rin ang leftist activist na si Renato Reyes Jr. sa naturang isyu. Ayon sa aktibista, wala na nga raw makain ang mga nag-rally , hinuli pa raw at pagmumultahin pa.

“The 21 San Roque residents who were arrested for protesting lack of food face multiple charges and must pay up to P15,000 EACH for bail according to their lawyer. Wala na nga silang makain, pagbabayarin pa ng P15,000 each. Walang awa sa mahihirap. #TulongHindiKulong,” patutsada ni Reyes.

Magugunita na ilang oras matapos ang nangyaring rally ay nagsalita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at nagbanta sa mga makakaliwa.

“Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na ‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the government. Naintindihan ninyo ‘yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation… Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID… Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” buwelta ni Pangulong Duterte.

Source: Twitter | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: