Local News

Tuloy ang Banatan! Congressman Lagman, Rumesbak kay Senator Bong Go

Kahapon ay nagpakawala si Senator Bong Go na maanghang na privilege speech laban kay Albay Representative Edcel Lagman dahil sa panukala ng kongresista na paimbestigahan ang mga health centers na kilala sa tawag na Malasakit Centers.

“Congressman Lagman, do not be anti-poor. Ang pera ng tao ay dapat lang ibalik sa mga tao. Mahiya kayo sa constituents ninyo. Mahiya kayo sa milyong-milyong Pilipinong naututlungan ng programang ito,” sabi ni Senator Go.

“Naturingan pa man din siyang public servant pero hindi niya pinag-aaralan ng mabuti ang sinasabi niya. Hindi man niya naisip na isa ang kanyang probinsiya sa kauna-unahang nakinabang sa programang ito ng gobyerno,” dagdag pa ni Go.

Ang Malasakit Center ay pet project ni Go noong wala pa ito sa senado.

Ibinunyag din ni Go sa kanyang talumpati na kailangan pa raw magpunta ng mga kababayan nating nangangailangan ng tulong sa bahay ng kongresista para makahingi ng ayudang medikal.

Ngayong araw naman ay umalma si Lagman sa mga naging birada ni Go. Sinabi ng kongresista na siya ay para sa mga mahihirap.

“I have always been a pro-poor legislator long before the advent of the Malasakit Centers and my legislative performance and accomplishments speak of my advocacies for the disadvantaged and marginalized,” sabi ni Lagman.

Nagpatutsada rin si Lagman tungkol sa pagpapaalis noong ng COMELEC sa mga posters ni Go sa mga nasabing health centers.

“Go is the “poster boy” of the Malasakit Centers, and the COMELEC had to order the Department of Health to remove his campaign posters which littered the centers,” sabi ni Lagman.

Basahin ang naging reaskyon ng ilang kababayan natin sa pahayag ni Lagman.

“Pag gusto ninyo kalinga hinahanapan ninyo ang gobyerno, pag ginagawa naman nila paraan makatulong hinahanapan naman ninyo ng butas… Bakit di muna ninyo subukan ang serbisyo ng malasakit center para sa maliliit at wag mo bigyan ng masamang kahulugan dahil lamang di mo siya kampi sa politika… Nakausap na ng anak mo kung paano makakatulong at bago ibigay yan sa lugar ninyo napaliwanagan na un binigyan nyan para sa serbisyo sa tao…. Stop that nonsense intrigues,” sabi ni R. Dator.

“indi ako botante sa area ni edcel,so malayo ako sa kanila at ang nalalaman napapanood napakinggan tungkol sa kanya at pinaggagawa nya ay puro negatibo(kahit sa program ni mr raffy tulfo sa WSR/tv5 ),” sabi ni S. Bernante.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén