Local News

Tuloy ang Kaso! Yaya na Tumangay sa Sanggol, Tuturuan ng Leksyon!

“Madaling magpatawad pero ‘yung aksiyon niya, paano sa mga susunod na papasukan niya,”

Ganito ang naging pahayag ni Princess Jean Perrin tungkol sa kahihinatnan ni Kristine Joy Salik, ang yaya ng kanyang apat na buwang sanggol. Matatandaang kumalat ng husto sa social media ang ginawang pagtangay ni Salik sa anak ni Perrin matapos makunan ito sa CCTV.

Giit naman ni Salik, binigyan daw siya ng lolo ng bata ng permiso para ilabas ito at dalhin sa mall.

Mariing pinabulaanan naman ng lolo ng sanggol ang pahayag ni Salik.

Ayon sa suspek, natakot daw siyang bumalik sa bahay ng amo niya dahil sa pagkalat ng kanyang larawan sa social media at pagbabanta na natatanggap niya.

Kaya todo hingi ng patawad ang suspek kay Ginang Perrin.

“Noong gabi, uuwi sana kami sa Taguig, eh ang dami na pong nagcha-chat sa akin. Sorry po. Sorry po talaga,” sabi ni Salik.

Ang bata ay naibalik sa magulang nito sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo na “Wanted sa Radyo”.

Base sa pahayg ni Ginang Perrin, wala pang isang linggong nanunuluyan sa kanila si Salik. Nakilala lang din daw nila si Salik sa social media matapos silang mag-post na naghahanap ng magiging yaya ng kanilang anak.

Narito ang naging paghaharap ng mga magulang ng sanggol at ng yaya.

Source: ABS-CBN | Wanted sa Radyo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: