Local News

‘Tulungan na natin si PDU30 para Bumangon ang Bansa!’ – Bayani Agbayani

Isa sa mga personalidad sa showbiz na dumalo sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay ang komendyanteng si Bayani Agbayani. Natanong ito ng ilang miyembro ng media patungkol sa naging talumpati ni Presdiente sa SONA.

Para kay Bayani, ikinatutuwa niya ang pangangasiwa na ginagawa ng Presidente sa ating bansa. Isa sa mga hinalimbawa niya ay ang pagkakaroon muli ng tiwala ng mga tao sa mga kapulisan. Aprub din kay Bayani ang mga malasakit centers. Ang libreng matrikula sa mga state colleges ay binanggit din ng prominenteng komedyante. Isa din sa ibinida niya ay ang ginawang solusyon ng Pangulong Duterte laban sa tanim-bala scam noong nakaraang administrasyon na nagbigay ng kahihiyan sa ating bansa.

“Maganda (ang naging SONA ng Presidente). Nailahad niya lahat ng accomlishments at inamin niya ‘yung kahinaan ng gobyerno,” sabi ni Bayani.

Isa naman sa hinangaan din ni Bayani ay pag-amin ng Presidente sa kahinaan nito at pagiging transparent tungkol sa isyu sa West Philippine Sea.

“Ako, ‘yung nakita ko sa Presidente ay ang pagiging transparent niya. Sinabi niya na nasa possession na ng China ang teritoryo. Hindi na tayo puwedeng pumasok dahil pag pumasok ng marahas, maaring lahat ng ipapadala niyang sundalo ay mamamatay. So, kailangan ng magandang diplomasya. Plus, ‘yung sinabi niya hanggang ngayon ang LTO at ibang ahensiya ng gobyerno ay napakabagal at napakalakas ng korapsyon. Kasi wala akong nakita na Presidente na nakupo na aamin kung ano ang kahinaan niya. Di ba inaamin niya kung ano ang kahinaan. Kasi ‘yun na talaga ang naging kultura ng mga nagta-trabaho sa gobyerno. At kung lilinisin man niya ‘yun sa loob ng 6 na taon, napakahirap. Salamat na lang at may naglilinis,” pahayag pa ni Bayani.

Sa huli, hinikayat ni Bayani ang bawat Pilipino na tumulong sa Pangulo para maibangon ang ating bansa. Iginiit din ni Bayani na may tatlong taon na lamang na nalalabi sa termino ng Presidente at mas maganda kung iwasang hilain ang mga nakapwesto sa gobyerno.

Source: News5 Features

Leave a Reply

Theme by Anders Norén