Local News

‘Tulungan nyo po ang pamilya ko’ Killer Cop Nuezca, may Kahilingan!

Nagmamakaawa ngayon si Police Staff Sgt. Jonel Nuezca sa kapuisan na tukungan ang kaniyang pamilya. Ayon kay Nuezca, nagsisisi daw siya sa ginawa niyang pamamaslang sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

“Sir, inaamin ko po yung pagkakamali ko. Sobrang emosyon. Nagsisisi po ako sa ginawa ko. Laking pagsisisi, Sir, unang una para sa pamilya ko, Sir… Sir, sana matulungan niyo po ako… Sir para sa pamilya ko nalang po,” hirit ni Nuezca.

Si Nuezca ay nahaharap ngayon sa kasong double murder matapos walang pakundangang barilin ang gma kapit-bahay niya na sina Sonya at Frank Anthony Gregorio. Ayon sa ilang ulat, nagsimula daw ang insidente nang magpaputok ng boga si Frank. Base naman sa ilang impormasyon, matagal na rin daw may alitan ang dalawang panig dahil sa isyu ng lupa.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén