Local News

Tumaas ang COVID kahit na pinasa ang Terror bill – Pa-famous Vlogger Mimiyuuuh

Isa na naman pasikat ang umepal sa isyu ng anti-terrorism law. Sa kanyang social media account ay nagbigay ng kanyang opinyon ang vlogger na si Mimiyuuuh tungkol sa usapin.

“Kala ko nga po bababa na ang cases nung pinasabatas ang terror bill pero parang ganun pa rin naman po. TUmataas pa nga po. Woooh Pinas pataas!” boladas ni Mimiyuuuh.

Nagpatutsada din ang vlogger sa hindi pagbibigay na prangkisa sa ABS-CBN.

“Sana naman po bumaba na yung cases natin sa pagpapasara ng ABS-CBN ano po? ” ngalngal pa ni Mimiyuuuh.

Ang vlogger na si Mimiyuuuh ang nagpasimuno ng Dalagang Filipina Challenge. Sa nasabing challenge walang gagawin ang mga kakasa sa hamon kundi pilipitin lang ang mukha.

Narito ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pinagsasabi ni Mimiyuuuh.

“Ano kinalaman sa pagtaas ng covid sa kaso nila hawak ba ng gobyerno ang covid ibang bansa nga mga mayayaman pa sila pataas nga ng pataas tayo pinas pa kaya kulang sa desiplina rally dito rally doon tapos isisi nyo sa gobyerno isa pa tong bobo, pasikat ka lng.” – R. Guiobag

“Ano naman kinalaman ng covid-19 sa anti-terorist bill at pagsasara ng ABS. Nagkataon lang na may covid nasabay s mga issue n yan. Porke nakikinabang kayo s ABS kahit baluktot na paniniwala pilit ninyong ipinaglalaban. Marami pilipino ang nawalan ng trabaho mas mahirap n mga tao.” – A. Caneso

“Anung kinalaman sa pagtaas ng covid cases sa pagsasara ng abs cbn…akala siguro ni payat na DORA na to na yan lang ginagawa ng mambabatas pag uusapan ang abs cbn franchise, porket yan lang na napapalabas sa television, sa isang araw marami mga panukala ang pinag uusapan sa kongreso para sa ating ekonomiya..hay naku!!!!” – C. Marlon

“Akala mo malaki na naiambag para mag komento ng ganyan. Magvlog kana lang ng Magvlog..ung anti terror bill, ang mga terorista walang pinipiling oras yan. Kapag nakaisip ng kademonyohan yan papatay at papatay yan.” – L. Gaviola.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: