Local News

“Tumatakbo ako para Ipaglaban ang mga Pilipino” – Pacquiao

Sa kaniyang panayam as ANC, sinagot ng boksingerong senador na si Mannny Pacquiao ang katanungan ni Karen Davila patungkol sa maaaring epekto ng gagawin niyang paghahabla kay Pastor Apollo Quiboloy. Sa naturang programa ay binunyag kasi ni Pacquiao na kakasuhan niya si Quiboloy kaugnay sa isyu ng multi-million sport center project sa Saranggani. Ayon kay Pacquiao, hindi siya makikipag-kompromiso sa kasamaan dahil para daw sa karapatan ng mga Pilipino ang kaniyang adhikain.

“Hindi ako tumatakbo para i-please ang mga ano… o mag-compromise sa mga masasamang bagay, tumatakbo ako para ipaglaban ang tama, karapatan ng sambayanang Pilipino at paglago ng ating bansa. Iyan ang adhikain ko kung sakaling ako ay tumakbo sa highest position o bumalik sa senado. Nandito ako sa posisyon na ito hindi para sa sarili ko, kundi para sa karapatan ng mga Pilipino,” boladas ni Pacquiao.

Binunyag din ni Pacquiao na marami daw sa mga kaibigan niya ang nabawas dahil sa kaniyang adhikain na ipaglaban ang tama.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: