Local News

Tunnel Boring Machines para sa Subway System, Ininspeksyon na ng DU30 Govt!

Sa social media account ng Department of Transportation – Philippines (DOTr), malugod na ipinaalam ng ahensiya sa mga kababayan natin ang ginawa nilang pag-iinspeksyon sa tunnel boring machine sa JIMT Tsurumi Factory sa Tokyo, Japan. Ang tunnel boring machine ang ginagamit sa konstruksyon ng mga subway systems. Kasama ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa pag-iinspeksyon ay sina Usec. for Railways Timothy John Batan, Philippine Natiional Railways General Manager Junn Magno, at Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda at ilang senior officials ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ayon sa DOTr, ang Technology Corporation ay isa daw sa nangunguna sa paggawa ng mga tunnel boring machines.

Gaganapin na ang groundbreaking ng Metro Manila SUbway sa February 27, 2019, base sa impormasyon sa Facebook page ng DOTr.

Panoorin ang kaugnay na video kung paano gumagana ang tunnel boring machines.

Source: DOTr

Leave a Reply

Theme by Anders Norén